Si Nanay…
Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpupursige ako,bakit
gusto kong maging matagumpay sa anumang larangan na gusto kong tahakin…Pinakikilala
ko nga pala sa inyo ang aking mapagmahal na ina na si Cecilia C. Alingcastre…Tubong
Capiz ang Mama ko,nung 16yrs old siya lumuwas siya sa Pampanga at tumira sa
kanyang mga kapatid sa Pampanga,doon niya nakilala ang tatay ko,isang
Kapampangan…ipinagmamalaki ko sa buong mundo na napakamaswerte ko sa Nanay ko
dahil isa siya sa mga kakaunting Nanay na maipagmamalaki at huwaran…natatandaan
ko pa nung bata pa kami dahil sa sobrang kahirapan namin sa buhay namasukan siya bilang labandera at nahinto
nalang siya nung nasa Elementary na kami at dahil sa pagpupursige nya nagkaroon
kami ng pagkakataon na mai-angat ang
buhay namin katuwang niya ang butihin kong ama…Alam ko ang hirap na pinag
daanan ni Nanay,naging mahirap sa kanya ang pag tanggap sa pagkawala ng Tatay namin
ng biglaan,nagkaroon siya ng Cancer noong 2004 at dahil sa tiwala sa Dios alam
kong napagtatagumpayan na niya yun..God is always there to guide her,lagi kong
dinadasal sa maykapal na lagi siyang bantayan at bigyan ng kalakasan,I ‘m
willing to give her half of my life …Tangi kong dinadasal sa Maykapal na lagi
siyang bantayan at bigyan siya ng kalakasan upang mapagtaumpayan ang hamon ng
buhay..Sa pinakamamahal kong ina,pipilitin maging isang matagumpay na
indibidwal para sau at alam ko na maito-tour kita around the world..promise ko
yan sayo..Mahal na Mahal kita Nanay ko…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento