Huwebes, Disyembre 27, 2012

Si Nanay kong Mahal...


Si Nanay…


Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpupursige ako,bakit gusto kong maging matagumpay sa anumang larangan na gusto kong tahakin…Pinakikilala ko nga pala sa inyo ang aking mapagmahal na ina na si Cecilia C. Alingcastre…Tubong Capiz ang Mama ko,nung 16yrs old siya lumuwas siya sa Pampanga at tumira sa kanyang mga kapatid sa Pampanga,doon niya nakilala ang tatay ko,isang Kapampangan…ipinagmamalaki ko sa buong mundo na napakamaswerte ko sa Nanay ko dahil isa siya sa mga kakaunting Nanay na maipagmamalaki at huwaran…natatandaan ko pa nung bata pa kami dahil sa sobrang kahirapan namin sa buhay  namasukan siya bilang labandera at nahinto nalang siya nung nasa Elementary na kami at dahil sa pagpupursige nya nagkaroon  kami ng pagkakataon na mai-angat ang buhay namin katuwang niya ang butihin kong ama…Alam ko ang hirap na pinag daanan ni Nanay,naging mahirap sa kanya ang pag tanggap sa pagkawala ng Tatay namin ng biglaan,nagkaroon siya ng Cancer noong 2004 at dahil sa tiwala sa Dios alam kong napagtatagumpayan na niya yun..God is always there to guide her,lagi kong dinadasal sa maykapal na lagi siyang bantayan at bigyan ng kalakasan,I ‘m willing to give her half of my life …Tangi kong dinadasal sa Maykapal na lagi siyang bantayan at bigyan siya ng kalakasan upang mapagtaumpayan ang hamon ng buhay..Sa pinakamamahal kong ina,pipilitin maging isang matagumpay na indibidwal para sau at alam ko na maito-tour kita around the world..promise ko yan sayo..Mahal na Mahal kita Nanay ko…

Ang Pagmamahal...


Sabi nga nila minsan lang dadaan ang tamang tao para sayo at kapag dumating yun grab the opportunity at baka di na dumating pa ang chance na makilala mo siya…anu nga ba ang ibig sabihin ng “LOVE”,madami nagsasabi Love is blind,dahil marami daw nabubulag dito,dahil ba madaming gwapo ang nabibihag ng isang pangkaraniwang babae o isang maganda at sosy na babae na nabihag ng isang hamak na kargador lamang? Ano nga ba ang pag-ibig? Minsan tinananong ako ng mahal ko kung gaano ko siya kamahal ang tangi ko lang nasabi…di ko alam,kasi di ko talaga alam bakit mahal ko siya…walang papantay na halaga doon dahil walang dahilan ang pagmamahal ko sa kanya..Matagal na ang pagsasama naming at masasabi kong magkasalungat ang ugali naming pero doon yata nagkakaraoon ng isang saysay ang pagsasama at mas lalo pa nyong minamahal ang isa’t-isa…Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din sya sa akin,nagkakaroon man kami ng mga kakaunting unos pero kakarampot lamang dahilan yun para sumuko sa pagmamahalan namin.Masasabi ko lang na ang tunay na pagamamahal ay walang dahilan,kusang tumitibok ang puso mo at patuloy na siya lang ang dinidikta ng isipan mo.Masarap magmahal kung ang minamahal mo ay handang umalalay sayo at di magsasawa na umalalay sa oras ng kagipitan at kalungkutan mo…