Huwebes, Disyembre 27, 2012

Si Nanay kong Mahal...


Si Nanay…


Isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpupursige ako,bakit gusto kong maging matagumpay sa anumang larangan na gusto kong tahakin…Pinakikilala ko nga pala sa inyo ang aking mapagmahal na ina na si Cecilia C. Alingcastre…Tubong Capiz ang Mama ko,nung 16yrs old siya lumuwas siya sa Pampanga at tumira sa kanyang mga kapatid sa Pampanga,doon niya nakilala ang tatay ko,isang Kapampangan…ipinagmamalaki ko sa buong mundo na napakamaswerte ko sa Nanay ko dahil isa siya sa mga kakaunting Nanay na maipagmamalaki at huwaran…natatandaan ko pa nung bata pa kami dahil sa sobrang kahirapan namin sa buhay  namasukan siya bilang labandera at nahinto nalang siya nung nasa Elementary na kami at dahil sa pagpupursige nya nagkaroon  kami ng pagkakataon na mai-angat ang buhay namin katuwang niya ang butihin kong ama…Alam ko ang hirap na pinag daanan ni Nanay,naging mahirap sa kanya ang pag tanggap sa pagkawala ng Tatay namin ng biglaan,nagkaroon siya ng Cancer noong 2004 at dahil sa tiwala sa Dios alam kong napagtatagumpayan na niya yun..God is always there to guide her,lagi kong dinadasal sa maykapal na lagi siyang bantayan at bigyan ng kalakasan,I ‘m willing to give her half of my life …Tangi kong dinadasal sa Maykapal na lagi siyang bantayan at bigyan siya ng kalakasan upang mapagtaumpayan ang hamon ng buhay..Sa pinakamamahal kong ina,pipilitin maging isang matagumpay na indibidwal para sau at alam ko na maito-tour kita around the world..promise ko yan sayo..Mahal na Mahal kita Nanay ko…

Ang Pagmamahal...


Sabi nga nila minsan lang dadaan ang tamang tao para sayo at kapag dumating yun grab the opportunity at baka di na dumating pa ang chance na makilala mo siya…anu nga ba ang ibig sabihin ng “LOVE”,madami nagsasabi Love is blind,dahil marami daw nabubulag dito,dahil ba madaming gwapo ang nabibihag ng isang pangkaraniwang babae o isang maganda at sosy na babae na nabihag ng isang hamak na kargador lamang? Ano nga ba ang pag-ibig? Minsan tinananong ako ng mahal ko kung gaano ko siya kamahal ang tangi ko lang nasabi…di ko alam,kasi di ko talaga alam bakit mahal ko siya…walang papantay na halaga doon dahil walang dahilan ang pagmamahal ko sa kanya..Matagal na ang pagsasama naming at masasabi kong magkasalungat ang ugali naming pero doon yata nagkakaraoon ng isang saysay ang pagsasama at mas lalo pa nyong minamahal ang isa’t-isa…Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din sya sa akin,nagkakaroon man kami ng mga kakaunting unos pero kakarampot lamang dahilan yun para sumuko sa pagmamahalan namin.Masasabi ko lang na ang tunay na pagamamahal ay walang dahilan,kusang tumitibok ang puso mo at patuloy na siya lang ang dinidikta ng isipan mo.Masarap magmahal kung ang minamahal mo ay handang umalalay sayo at di magsasawa na umalalay sa oras ng kagipitan at kalungkutan mo…

Martes, Oktubre 16, 2012

KAMUSMUSAN SA PAMPANGA


Ako nga pala si Joecel "Tosh" Catalan Alingcastre,ang mga magulang ko ay sina Ginoong Jose Garcia Alingcastre na tubong Guagua,Pampanga at ang ina ko naman  ay si Ginang Cecilia Armada Catalan na tubong Ilo-ilo,kaya masasabi kong ako ay kapampangan sa puso't-isipan pero nanalaytay din sa akin ang dugo ng pagiging Ilonggo.Lumaki ako sa isang simpleng barangay sa Pampanga,sa isang normal at payak na  pamilya,masaya na ako kapag  naglalaro kami ng  aking mga pinsan at kapatid  sa damuhan, sa ilalim ng kawayan at sa gilid ng palaisdaan na nasa likod lang ng aming tahanan,  naalala ko pa noon na malimit kaming maglaro   ng "gentary","syato",sungka  at basebol,masasabi ko na napakasaya ng aking kabataan dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na ienjoy ang bawat oras nito.Maliksi.matalino at me takot sa Diyos ang naging karakter ko noon,malimit na nasa bahay lang ako pagkatapos ng aking aralin sa Mababang Paaralan ng San Antonio,Guagua,Pampanga .Naging honor student  ako noong nasa elementarya pa ako at nakakuha din ng ibat-ibang award gaya ng BOY SCOUT OF THE YEAR dahil nagkaroon ako ng tsansa na maging representative ng aming school sa National Jamboree na kinatatampukan ng iba't-ibang bansa at ibat ibang award  para sa mga Palaro at academic contest sa aming paaralan. Masasabi kong isa sa pinakamasayang parte ng buhay ko ay noong bata pa ako,dahil marami akong kaibigan at nakilala..

At para sa mas malawak  na pagpapakilala sa mga taong naging malapit sa buhay ko iisa-isahin ko sila....


SI RYAN....


Dito ko nakilala ang kaibigan kong si Ryan na taga-Mauli,kami lagi magkasama noong panahon na dinala kami sa Laguna para nga sa Jamboree,iyakin ako noon dahil masyado akong malapit kay Nanay,namimiss ko sya palagi at si Ryan ang sumbungan ko.Naalala ko pa noon na sabay kaming bumili ng mga souvenir para maiuwi sa sa Pampanga.

Noong gumradweyt ako sa elementarya di na ako nagkaroon ng tsansa makita pa si Ryan dahil sa ibang school siya nag enroll at malungkot man sabihin na doon na natapos ang komunikasyon namin  bilang magkaibigan. Naniniwala ako na darating  ang araw na magkukrus din ang landas namin ,sabi ko nga "habang may buhay,may pag asa".

Si DEE JAY,ORLANDO,ROMMEL,KELLY ,MARILOU,LETICIA AT MARY ROSE...


Ilan lamang sila sa mga naging kaibigan ko noong nasa Elementarya pa ako, si Dee Jay na lagi kaming tinutuksong magkapatid dahil sa pagiging magkamukaha namin at lagi ko kasama sa paggawa ng plot para magtanim ng kamote at mani sa school namin,kaya lang maaga siyang binawian ng buhay at di ako nakapunta sa libing niya dahil nasa Maynila na ako.Si Orlando na tinatawag namin na "Buboy" na niligawan ang kababata kong si Leila, si Kelly na pinsan ni Leticia na galing sa ibang school at dahil sa magaling siyang makisama naging kaibigan din namin sya,si Marilou,Leticia at Mary Rose na naging classmate ko simula Grade 1 hanggang Grade 6 na naging kasama ko sa pagbebenta ng yemmas at ice candy sa school.Naalala ko pa noon na ang pinakamasayang okasyon sa buhay namin ay tuwing Pasko at Graduation dahil kasama kami lahat sa mga nakakakuha ng award.


Si BLANCA at BRENDA...

Isa sila sa pinakamalapit sa aking puso dahil na rin sa di matatawarang pagmamalasakit at pagkakasundo  naming magpipinsan...
Si Blanca na may mabuting puso at palaging andyan pag kelangan mo,tatawagan ko lang siya sa harapan ng kanilang bahay at tatakas yan sa tatay niya para maksama lang namin  maglalaro sa ilalim ng kawayan at  mangunguha kami ng mga bayabas sa malawak na lupain ng aking abuelo,naging tanyag din siya sa pagiging manlalaro niya at naging representative siya ng Palarong Pambansa sa ibat-ibang lugar ng Pilipinas.

Si Brenda, kabaligtaran naman ni Blanca,palaban at masungit  pero napakabait din na pinsan ,malakas ang loob at walang inuurungan.Marami na ring pagsubok ang dumaan sa buhay nya pero pilit siyang lumaban para sa pamilya niya. Naalala ko noon na kasama namin siya ni Blanca na pumupunta sa mga simbahan kapag mahal na araw o kaya naman pinupuntahan namin ang mga nagsasakripisyo sa kanto namin (mga ginigilitan sa likod kapag mahal na araw) at isa kami sa mga nakiki-usyoso .



Si Ate MELBA...


Pinakamalapit na tao sa puso ko dahil lumaki kaming sabay at lahat ng atensyon sa amin nakasentro,siya ang pinaka panganay sa aming magpipinsan at isa siya sa pinakamatalino sa amin,tagapagtanggol ko at lagi kong kakampi sa lahat ng bagay,safe ako kapag nasa tabi ko at siya ang umaagapay sa amin maging noong nawala ang aming ama.Minsan me pagkamasumpungin pero ganun lang talaga sya dahil na rin sa pinag daanan niya sa buhay,nanatili siyang matatag para sa mga anak niya lalo na nung mawala ang asawa niya at di malaman ang dahilan ng pagkamatay niya sa ibang bansa.Naiwan sa kanya ang lima nyang anak at pinipilit nyang buhayin to at pag aralin sa isang disenteng paaralan.

Si JESSIE LOU AT JOEY....

Pinakamamahal kong kapatid ,ayaw ko silang nakikitang nasasaktan at apektado ng problema,gagawin ko ang lahat para sa kanila...


Si Lhou na alam ko na masungit at suplada ,pero isang mapagmahal at mapagbigay na kapatid,natatandaan ko na kapag lumalayo ako at bigla  tinatawagan niya ako para lang  umiyak at sasabihin na ingatan ko ang aking sarili at kapag nararandaman ko na mahina at umiiyak ako andyan siya palagi para i-txt ako na kaya mo yan,magdasal ka at humingi ka ng tawad sa Diyos at malalampasan din natin yan.Isa siya sa mga katatagan ko,alam niya ang mga sikreto ko sa buhay,ang mga hinanakit  at pagkukulang ko.Natatandaan ko noong mag bebente singko na siya,hiningi ko sa Diyos natin na bigyan siya ng makakatuwang niya sa buhay at di ako binigo ng Diyos ibinigay sa kanya ang isang napakabuting tao.


Si Joey na lagi kong tinatawag na "Burundi" na bunso namin,matalino at matiisin na tao,palagi ko sinasabi sa kanya na magsumikap siya at wag sumuko,nung namatay si tatay,pinahinto muna namin siya sa pag -aaral  dahil sa kakulangan sa budget at kelangan na makakuha muna ako ng trabaho para maipagpatuloy ang pag-aaral niya..Mahal namin ang aming bunso lalo na si Mama,pinag-aral namin siya ng kapatid kong babae at sa awa ng Diyos di kami nabigo at nakatapos siya na mataas ang grado at isa siya sa mga kilalang tao sa school nila.Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Munisipyo namin.

Si Ate ZENAIDA....


Mahal na mahal kong tiyahin,isa sa mga nag alaga sa akin at nagbigay ng suporta sa lahat ng bagay na ginagawa ko,emosyonal at lagi apektado ang damdamin sa mga pangyayari,ayaw niya ng away at nasasaktan ang kanyang mga mahal sa buhay, very protective at laging naka agapay sa lahat ng oras,naalala ko noon nung nag asawa siya at di niya ako isinaman sa pagtatanan niya,iyak ako ng iyak at nagpapahatid ako kung saan itinanan ng kanyang asawa,para ko na siyang nakababatang Nanay.Ayaw niya kaming nasasaktan ni Ate Melba at binubusog niya kami palagi sa mga pangaral niya,kaya mahal na mahal ko din ang anak niya na si Lotlot at isa siya sa pinakapaborito kong pinsan...isang malambing at mabait din na pinsan.



Si Mama LINDA...

Ang tiyahin kog super close kay Mama,para silang magkapatid ni Mama,mahal na mahal ko din siya dahil para din kaming anak niya, di kumpleto ang isang okasyon kung wala si Mama Linda siya ang nagiging assistant ni Mama sa pagluluto,paghuhugas ng plato at pag eestima sa mga bisita.Maituturing ko siyang pinakamahalagang tao sa buhay ko..


Si RIA, JUNE,ANSEL at GRACE...



Mga pinsan ko na laging on the go,pag kelangan mo ng mekaniko andyan si June to the rescue agad siya para ayusin ang nasirang pyesa maging makina man yan o gulong,si Ria kasama kong taga-pagpatawa sa mga pinsan namin lagi kaming tandem sa kakengkoyan at lagi kaming me handang kwentong katatawanan, si Grace na maraming koneksyon,on the go din pag kelangan mo ng service o kaya naman kung nahuhuli ka sa chizmiz siya ang maasahan mo with matching reaction. Si Ansel ang mahiyain at payat kong pinsan na nagtapos ng dalawang kurso at hanggang ngayon di pa nakakapagtrabaho.Isa sa pinaka maswerteng bata dahil  siya ang tagapagmana ng mga ari-arian ng aming abuela.


Si ELLEN ...

Ang bestfriend ko,madami kaming pinagsaluhang saya at lungkot sa buhay,nakakaintindi sa mga nararandaman ko at siya ang pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto sa buhay,isa sa mga kakaunting tao na totoong magmahal bilang kaibigan,isang maawain at maka-Dios,ang bestfriend na lagi andyan para makinig at magbigay payo..ang bestfriend kong matiisin at laging me panyo kapag tumatangis ako..Mahal na mahal ko ang taong ito,isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Si GLENN, ALLAN, CARINA at JOANNE...


Ang wagas at tapat kong kaibigan,mahigit 15years na kaming magkakaibigan,madami ng ngyari at madami ng nasaktan pero andyan pa rin sila para makinig at intindihin ka,madami na ngtampo at nag-away pero yun lamang ag nagpapatatag ng aming samahan,sinubok na kami ng panahon at masasabi ko sila ang mga natatangi at maasahan kong kaibigan...kahit anu man ang mangyari sila ang sandalan  at pundasyon ko,magiging matibay ako dahil alam ko sila ang kaibigan na di magtitiis at di mang-iiwan sa akin.Si Glenn na nagpahayag ng tunay niyang katauhan ,di natakot na umamin kung ano siya,nagpakita  siya ng kakaibang tapang para harapin ang mga matang mapanghusga.Si Allan na hinahanap ang tunay na kaligayahan at di nagsasawang mag-aral para makamit ang tagumpay sa buhay,itinuturing ko siyang kapatid dahil sa ipinakita niyang kabutihan sa magulang ko,walang panghuhusga at lagi naiintindihan ang nasasaloob mo.Si Carina na very vocal kung ano ang nararandaman niya,matatag at matapang,walang inuurungan pero sa mga kaibigan niya madaling lumambot ang puso niya,mapagbigay kung anong meron siya,handang tumulong at umagapay sa taong walang-wala.Si Joanne isa sa pinakamalapit sa puso ko,nagkaroon lang ng di pagkaka unawaan dahil   sa isang kasalalan na nagawa ko,alam ko inintindi niya ako at alam ko lagi niya ako pinagtatakpan,alam ko sa puso niya nararandaman niya na humihingi ako ng tawad at pasensiya,bumangon ako at patuloy na nabigo..nabigo din siya pero hanggang ngayon di pa rin ako nakakabangon.Sa iyo Jo mahal kong kaibigan gusto kong humingi ng tawad at sinisikap ko mapaunlad ang sarili ko para mapunan ko ang mga bagay para sa pamilya ko at yung para sayo.Sa ngayon gusto ko mging matagumpay ako para mapagtagumpayan ko din ang bagay na ipinangako ko sayo kapatid...


PAMILYA KO DITO SA MANILA...

Maraming maraming salamat sa pamilyang Morales sa pagtanggap at pagbigay sa akin ng tahanan,maraming salamat kay Papa na lagi akong tinatanong kung kumain na ako at  si Mama sa pagluluto ng masarap na pagkain at sa walang katapusang pagkukuwento sa mga matagumpay niyang karanasan sa buhay. Nakakatuwang isipin na nakilala ko ang mga bago kong kapatid sa katauhan nina Lenlen,Gi at Jam,Si Lenlen na lagi andyn para kumustahin ang araw mo at randam mo palagi ang concern niya,isa siya sa mga mapagmahal na kapatid at ipaparandam sayo na di ka naiiba sa kanila,maging ang anak niyang si Kyle na napakabuti sa akin.Si Gi na me mabuting kalooban at kapag kelangan mo ng tulong andyan para gabayan at suportahan ka.